News »


Mga PWD, nagtagisan sa Open Chess Tournament

Published: December 07, 2023 03:42 PM



Nagpamalas ng galing sa Chess ang mga Person with Disability (PWD) sa ginanap na 8th Mayor’s Cup - PWD Open Chess Tournament sa WalterMart San Jose nitong Sabado, Disyembre 2.

Halos dalawang daan ang lumahok dito, kabilang ang mga dumayo pa mula sa iba’t ibang bayan ng Nueva at Pangasinan.

Dumalo naman sa nasabing patimpalak si Vice Mayor Ali Salvador para magpaabot ng suporta nila ni Mayor Kokoy Salvador.

Kaugnay nito, nagwagi sa Open Category bilang over-all champion si Frenz Jeffrey Ramos ng Cabanatuan City.

Nanguna naman sa PWD Category - San Jose City residents si Ariel Tinio ng Barangay Porais, habang si Oliver Duran ang nagkampeon sa Kiddies Category.