News »


Mga atletang San Josenio sa Karate, kinilala

Published: January 16, 2024 03:25 PM



Binigyang pagkilala ni Mayor Kokoy Salvador nitong Lunes, Enero 15, sa flag raising program ng lokal na pamahalaan ang mga batang nagbigay karangalan sa lungsod sa larangan ng karate sa katatapos na Batang Pinoy National Games.

Nagwagi ng Gintong Medalya si Marie June Adriano sa kategorya na Individual kumite 50kg 18.

Nauna na rito, naging Bronze Medalist sa Southeast Asian Games (SEA) Games 2023 si Adriano at matapos lumahok sa patimpalak sa Italy kamakailan, siya ay kasalukuyang Rank 95 sa kanyang kategorya sa buong mundo.

Muling lalaro si Adriano sa gaganaping Philippine National Games.

Samantala, nagwagi rin sa Batang Pinoy National Games sina:
• Neila Aieza Albano - Silver (Individual Novice Kata, 10-11 Female)
• Andrei Anne Dela Cruz - Silver (Individual Kata Intermediate, 12-13 Female)
• Atazha Lorrine Ysabela Dela Cruz - Bronze (Individual Kata Intermediate, 14-15 Female)
• Jenelle Ann Adriano - Bronze (Kumite 16-17 under 53kg Female)
• Andrei Kent Dela Cruz - Bronze (Kumite 16-17 under 55kg Male)
• Khyleen Cliffer Garcia - Bronze (Individual Novice Kata 12-13t)