News »


K Outreach Program sa Brgy. F.E Marcos

Published: February 07, 2024 02:11 PM



Libreng tulong at serbisyo ang muling handog ng K Outreach Program sa Brgy. F.E Marcos kahapon (Pebrero 6) na dinaluhan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal.

Inanunsiyo rito ni Mayor Kokoy ang ipinapatayong karagdagang gusali ng Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) upang mas makapagbigay ng mas malawak na serbisyo, gayundin ang ambulansiya na ipagkakaloob sa naturang barangay.

Inaasahang bibisita ang K Outreach bukas, Pebrero 8 sa Brgy. R. Eugenio.