Delegasyon mula sa South Korea, bumisita sa lungsod
Published: January 31, 2024 07:00 PM
Nitong Martes (Enero 30), bumisita ang isang delegasyon mula sa Hongcheon-gun, South Korea upang masusing suriin ang proseso ng pagtanggap ng aplikante para sa Seasonal Farm Worker (SFW) program sa lungsod.
Sa ilalim ng nasabing programa, nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho nang ilang buwan sa mga sakahan sa Hongcheon-gun, isang siyudad sa probinsiya ng Gangwon-Do, ang mga bihasang manggagawa mula sa San Jose.
Noong 2023, umabot sa 198 na San Josenio ang nagpunta sa South Korea bilang SFW. Nakatakdang tanggapin ng Hongcheon-gun ngayong taon ang 170 na manggagawa mula sa lungsod.
Mainit na tinanggap ni Mayor Kokoy Salvador kasama ang mga bisita at personal pa niyang iniikot ang mga ito sa city proper gamit ang tricycle.
Naghandog din ang lokal na pamahalaan ng boodle fight para sa kanilang kasiyahan.
Nagbigay naman ng katiyakan si Mayor Kokoy, kasama sina Public Employment Service Office (PESO) Manager Lilibeth Tagle at City Agriculturist Franky Dantes na ang mga manggagawang matatanggap na SFW ay sapat sa kalidad at kakayahan, at susunod sa mga itinakdang alituntunin ng programa.