POWAS Phase 2 sa Parang Mangga
Published: January 12, 2024 03:58 PM
Sa paghahatid ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar ngayong taon, buena manong pinasinayaan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng Sangguniang Panlungsod (SP), ang Potable Water System (POWAS) Phase 2 sa Brgy. Parang Mangga nitong Huwebes, Enero 11.
Nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga opisyal ng asosasyong mamamahala sa POWAS sa pangunguna ng magsisilbing tagapangulo na si Roderick Vergara.
Sa kanyang mensahe, ibinilin ni Mayor Kokoy na ingatan at mahalin ang proyekto upang mapakinabangan ito nang ilang dekada.
Ayon naman kay Vice Mayor Ali, bukod sa malinis na tubig ay hangarin din ng lokal na pamahalaan na madagdagan ang pinagkukunan ng pagkain ng mga komunidad sa pamamagitan ng proyektong Gulayan sa Bakuran na ginagawa sa mga paaralan at mga tahanan.