News »


K Outreach Program sa Brgy. Sto. Niño 1st at 2nd

Published: January 31, 2024 04:00 AM   |   Updated: May 30, 2024 03:13 PM



Matapos unang hatiran ng mga libreng serbisyo at tulong ang mga taga-Brgy. Sto. Niño 3rd sa taong ito, sumunod na binisita ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ang Sto. Niño 2nd at Sto. Niño 1st nitong Enero 19 at 26.

Handog ito para sa mga residente na nagdiwang din ng kani-kanilang barangay fiesta sa mga naturang petsa.

Nakisaya sa okasyon sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal.

Dinayo naman ng K Outreach ang Brgy. Pinili kahapon at tutungo sa Brgy. San Juan sa darating na Biyernes, Pebrero 2.