News »


K Outreach Program sa Brgy. San Juan

Published: February 03, 2024 08:00 AM



Dinayo ng K Outreach Program kahapon (Pebrero 2) ang Brgy. San Juan para muling maghatid ng mga libreng serbisyo at tulong ang iba't ibang opisina ng lokal na pamahalaan, kasama ang Sangguniang Panlungsod at iba pang ahensiya.

Nakadaupang palad din ng mga dumalo sa programa sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, gayundin ang ilang konsehal.

Bukod dito, nabigyan ng wheelchair ang isang residente roon na personal na iniabot nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali, katuwang ang PWD Affairs Office (PDAO).

Ayon sa Punong Lungsod, fiesta man o hindi, bibisita ang K Outreach sa mga barangay para maghandog ng tulong at serbisyo.