Higit 100 magkasintahan, nag-“I do” sa Kasalang Bayan
Published: February 15, 2024 03:00 AM | Updated: May 30, 2024 02:41 PM
Tunay na punong-puno ng pag-ibig ang Araw ng mga Puso, matapos mag-isang dibdib kahapon ang 102 pares ng magkasintahan sa Kasalang Bayan na inihanda ng lokal na pamahalaan.
Idinaos ang rustic-themed wedding sa City Hall courtyard, kung saan nagsilbing solemnizing officer si Mayor Kokoy Salvador.
Ipinahayag dito ng Punong Lungsod ang kanyang mainit na pagbati at paalala sa mga bagong kasal na laging magmahalan at igalang ang isa't isa.
Ito rin ang naging mensahe ni Vice Gov. Doc Anthony Umali na dumalo sa programa.
Samantala, may libreng wedding reception din sa City Social Circle para sa mga ikinasal, kasama ang kanilang mga bisita.
Bukod dito, nakatanggap pa ng regalo ang mga bagong kasal, at ginawaran ng papremyo ang napiling Sweetest Couple, Oldest Couple, at Early Bird sa naturang okasyon.
Binati naman ng kinatawan ng Philippine Statistics Authority (PSA) - Cabanatuan ang lokal na pamahalaan at Local Civil Registry (LCR) Office na nanguna sa pagdaraos ng Kasalang Bayan.