News »


Contact Tracing Team Meeting

Published: February 03, 2021 12:00 AM



Nagpulong nitong Miyerkules (Feb 3) ang San Jose City Contact Tracing Team kasama si Mayor Kokoy Salvador at mga kinatawan ng City Health Office Ospital ng Lungsod ng San Jose, City Population Office, at General Services Office tungkol sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Tinalakay ang pagbili ng bakuna na gagamitin sa lungsod at mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng gagamiting bakuna gaya ng mataas na efficacy rate, mas murang halaga pero mataas ang kalidad. 

Pinag-usapan din ang mga paghahanda na dapat gawin kasama na ang information dissemination campaign, at paghihikayat sa mamamayan na magpabakuna.

Sinabi ng Punong Lungsod na marapat lamang na maipatupad ang mga programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga San Josenio.

Inaasahang tatalakayin sa mga susunod na pulong ang age bracket o edad ng mga mababakunahan, kabuuang bilang ng mga senior citizens, frontliners, uniformed personnel, at iba pang prayoridad na dapat mabakunahan kontra COVID-19.