News »


Zoom Conference on COVID-19 Vaccine Procurement

Published: January 13, 2021 12:00 AM



Dumalo si Punong Lungsod Kokoy Salvador at mga kinatawan ng City Health Office sa pangunguna ni City Health Officer Dr. Marissa Bunao sa Zoom Conference on COVID-19 Vaccine Procurement na inorganisa ng League Cities of the Philippines (LCP) kahapon, January 12.

Sa virtual meeting kasama ang mga mayors sa Pilipinas, tinalakay ng tinaguriang vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, Jr., Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19, ang mga guidelines na dapat sundin ng mga LGU sa pag-procure ng kani-kanilang vaccine. 

Nagbigay din ng rekomendasyon si Sec. Galvez kung ano ang mga vaccine na maaaring mabili sa mas murang halaga. Binigyang diin din ng vaccine czar na kailangan ay may maayos na koordinasyon sa National IATF ang mga lokal na pamahalaan sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. 

Ayon naman kay Mayor Kokoy, nakahanda ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa pagbili ng bakuna, bukod sa alokasyong matatanggap mula sa provincial at national government.