News »


Chikiting Ligtas Vaccination Sitio Sampaloc, Villa Floresta

Published: February 26, 2021 12:00 AM



Dumayo ang grupo ng mga bakunador sa pamumuno ni National Immunization Program Nurse Coordinator Marilyn Ong ng City Health Office sa Sitio Sampalok, Brgy Villa Floresta sa huling araw ng pagbabakuna nitong umaga, Pebrero 26. 

Dumalo din sa pagbabakuna at nagpatak pa ng Oral Polio Vaccine sa mga bata si Punong Lungsod Kokoy Salvador. 

Ayon kay Ong, sa huling opisyal na datos noong Pebrero 24, nalagpasan na ng Lokal na Pamahalaan ang target na batang dapat mabakunahan laban sa Measles-Rubella. 

Nangunguna ang Lungsod San Jose sa buong Nueva Ecija nang makapagtala ito ng achievement na 101.12% sa Measles-Rubella vaccination at 98.5% naman sa Polio. Nadagdagan pa ang bilang na ito nitong mga huling araw ng pagbabakuna. 

Dagdag ni Ong, nailagay sa kategoryang "refused" ang mga hindi nagpabakuna suablit nang kausapin ni Mayor Kokoy ang mga magulang upang bigyan ng kasiguruhan na ligtas ang bakuna ay pumayag na rin ang mga ito.