News »


Inauguration of Potable Water System (POWAS) - Junior Campo, Sto. Niño 2nd

Published: January 15, 2021 12:00 AM



Idinaos ang pormal na pagpapasinaya ng Potable Water System o POWAS sa Junior Campo, Brgy. Sto. Niño 2nd kahapon, January 14, gayundin ang panunumpa ng Lupon ng Katiwala na siyang mamamahala sa POWAS dito na tinawag nilang JC-POWAS.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si Punong Barangay Ferdinand Soliven at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang inagurasyon ng naturang proyekto na nakapagsisilbi na sa higit animnapung (63) konsyumer.

Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Kapitan Soliven sa lokal na pamahalaan dahil sa laking ginhawang naidulot ng POWAS sa kanilang lugar. 

Tiniyak naman ni J.E. Dizon ng City Health Office - Sanitation Division ang kalidad ng tubig sa POWAS dahil sinusuri nila ito kada buwan para mapanatali at matiyak na ligtas inumin ang tubig mula rito.

Inanunsiyo rin ni Mayor Kokoy na nasa proseso na ng pagkakabit ng solar panels sa bawat POWAS para hindi na kakailanganin ang generator set at mas makatitipid pa sa kuryente.

Sa kabuuan, apatnapu’t anim (46) na POWAS na sa lungsod ang napasinayaan at kasalukuyang nakapagbibigay ng malinis at sapat na supply ng tubig, lalo na sa mga liblib na lugar.