New Year’s Call to the City Mayor
Published: January 25, 2021 12:00 AM
Isinagawa ng San Jose City Police Station ang New Year’s Call to the City Mayor, nitong Lunes, ika-25 ng Enero, sa 3rd Floor, Learning and Development Room, City Hall Compound.
Ipinakilala ni PLT Gladys Joy C. Cabiltes, Admin/WCPD/PCAD Officer, ang siyamnapu’t apat (94) na pangunahing tauhan ng SJC-PNP mula sa iba’t bang seksiyon ng nasabing organisasyon. Kaugnay ng pagpapakilala ay ang pagbanggit ng kanilang tungkuling ginagampanan bilang isang miyembro ng kapulisan.
Tinalakay naman ni PLTCOL Criselda Y De Guzman, Chief of Police, ang Accomplishment Report ng organisasyon sa kanyang pangunguna mula Nobyembre 11 hanggang Disyembre 31, 2020.
Sa kanyang ulat, 12 suspek ang naaresto, 11 ang sumuko, at 2 ang binawian ng buhay sa isinagawang magkahiwalay na police operations sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Samantala, 5 naman ang arestado sa kanilang kampanya kontra sa ilegal na pagsusugal. Pieces of evidences were recovered
Sa bisa ng warrant of arrest, 14 wanted persons habang 2 naman sa most wanted persons ang naaresto sa kanilang pagtuligsa sa mga wanted persons.
Sa kampanya kontra loose firearms, 2 ang nakumpiskang baril sa isinagawang police operations at 5 naman ang isinuko.
Sa kanilang kampanya kontra kriminalidad, mas ipinatupad and pagsasagawa ng meeting/dialogue, pagpapamigay ng flyers, Oplan Sita, pagsasagawa ng checkpoints, at Oplan Bakal, gayundin sa bisa ng implementasyon ng ordinansa sa lungsod, 100 mufflers ang nakumpiska at isinuko, 392 ang nadakip na curfew violators, at 1,206 ang naisyuhan ng traffic citation tickets.
Higit ding pinaigting ng kapulisan ang kanilang information dissemination campaign sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers, pagsasagawa ng meeting/dialogue, implementasyon ng barangay at house visitations, maging ang pagsasagawa ng pagsasanay para sa capability building.
Batay sa datos na iniulat ukol sa “Eight Focus Crimes”, bumaba sa 6 ang kabuuang bilang ng naitalang krimen noong Nobyembre 11 – Disyembre 31, 2020 kumpara sa 10 krimeng naitala noong Nobyembre 11 – Disyembre 31, 2019.
Samantala, parehong 5 krimen ang naitala mula January 1-23 ng nakaraan at kasalukuyang taon. Lumalabas sa datos na, 1 rape, 1 theft, 2 motornapping, at 1 robbery ang mga naitalang krimen noong January 1-23, 2020 habang 1 physical injury, 3 theft, at 1 robbery ang krimeng naitala mula January 1-23, 2021.
Pinangunahan din ni PLTCOL De Guzman ang renewal of commitment sa ngalan ng buong kapulisan ng lungsod upang higit na maipagpatuloy ang kanilang plano at programa partikular na ang kampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga na siyang makatutulong sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Samantala, nagpakita naman ng suporta si Punong Lungsod Kokoy Salvador at nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat para sa mga frontliners sa kanilang paggampan ng trabaho noong nakaraang taon sa paglaban kontra COVID-19. Ngunit aniya, hindi pa rin natutuldukan ang pandemya kung kaya’t nakiusap siya na patuloy pa rin ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng bawat isa para sa tuloy-tuloy na ikauunlad at ikagaganda ng ating lungsod.
Nagpaabot din ng pagbati ang Punong Lungsod para kay PLTCOL De Guzman sa kanyang pangunguna sa kapulisan ng San Jose. Binaggit din niya na nakahanda na ang budget sa bakuna para sa mga San Josenio.
Dumalo rin sa naturang programa si PMAJ Milo V. Abraim, Deputy Chief of Police, PLTCOL Marco A. Dadez, Force Commander, at DILG Officer Elria Hermogino.