Chikiting Ligtas Vaccination - Sto. Tomas
Published: February 22, 2021 12:00 AM
Puspusan ang ginagawang pagbabakuna ng City Health Office laban sa mga sakit na tigdas, rubella at polio sa mga barangay.
Sumama sa pagbabakuna nitong umaga, Pebrero 22, sa Brgy Sto. Tomas si Punong Lungsod Kokoy Salvador.
Ang programang ito ng Department of Health ay sinimulan noong unang araw ng Pebrero at magtatapos sa huling araw ng buwan.
Ayon kay Marilyn Ong, National Immunization Program Nurse Coordinator at Nurse II sa City Health Office, nitong nakaraang Biyernes, Pebrero 19, ay nakapagbakuna na ng 12,181 na bata para sa anti-measles/rubella (96.25% sa target na bilang) habang 13,358 naman para sa anti-polio (93.87% sa target na bilang).
Nitong nakalipas na taong 2020, ginawaran ng Department of Health ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose ng Sertipiko ng Pagkilala dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng "Sabayang Patak Kontra Polio" na ginawa noong buwan ng Hulyo at Setyembre kung saan nakapagtala ang lungsod ng 82% accomplishment sa unang round ng pagbabakuna at 91% naman sa pangalawang round.