News »


Anti-Rabies Vaccination - Sto. Niño 2nd

Published: March 09, 2021 12:00 AM



City Veterinary Office in action:

Libreng bakuna kontra rabies para sa mga alagang aso at pusa kahapon, Marso 8 sa Brgy. Sto. Nio 2nd. 

Nagpapatuloy ngayong araw ang pababakuna sa nasabing barangay. 
Samantala, naritong muli ang iskedyul ng pagbabakuna sa mga nalalabing araw ngayong linggo:
   Mar 10 - Brgy. Manicla
   Mar 11 - Brgy. Villa Floresta
   Mar 12 - Brgy. R. Eugenio 

Magbabahay-bahay ang mga bakunador ng City Veterinary Office kaya't mangyari lamang na patuluyin sila sa inyong bakuran o ilabas ang inyong mga alaga. Makatutulong din kung aalalayan ng may-ari ang kanilang mga alaga upang makaiwas sa kagat o kalmot ang mga bakunador. 

Tandaan: may dalang LGU ID ang ating mga bakunador kaya't huwag magpapapasok ng taong walang tamang pagkakakilanlan sa inyong bakuran.