300K Tulong Pangkabuhayan mula sa DOLE
Published: March 03, 2021 12:00 AM
Tinanggap ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama si Senior Labor and Employment Officer Lilybeth Y. Tagle ng Public Employment and Service Office (PESO) ang tseke na nagkakahalaga ng P300,000.00 bilang tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Personal itong iniabot ni DOLE Provincial Director Maylene Evangelista nitong Miyerkules ng umaga, Marso 3.
Sa tulong ng Lokal na Pamahalaan partikular na ang PESO, City Agriculture Office (CAO), at City Environment and Natural Resources Office (CENRO), napiling benepisyaryo ang Tayabo Agri-Entrepreneur Natures Innovator Movement (TANIM) ng Sitio Kabugbugan, Brgy. Tayabo.
Gagamitan ng nasabing samahan ang pondo bilang panimulang kapital o puhunan para sa kanilang potensiyal na negosyo na ‘charcoal briquetting’, gayundin ang produksiyon ng Mokusaku o ‘charcoal vinegar’.
Kaugnay nito, naglaan din ng P75,000.00 ang lokal na pamahalaan bilang counterpart o dagdag na ayuda para sa naturang benepisyaryo.