K Outreach sa Porais
Published: October 28, 2022 03:00 PM
Muling nagpamahagi ng mga libreng serbisyo ang K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan kung saan dinayo ang mga taga-Barangay Porais ngayong araw (Oktubre 28).
Handog dito ang mga serbisyong medikal, dental, bakuna (immunization), libreng gupit, masahe, manicure at pedicure, pamamahagi ng reading glasses, seedlings, gamot para sa mga alagang hayop, rehistro ng kapanganakan (Birth Certificate), tulong at gabay para sa mga naghahanap ng trabaho, pamimigay ng bigas, mga kontraseptibo, carabao’s milk at lomi, tungkod at wheelchair, konsultasyon sa Philippine National Police (PNP) Assistance Desk at Public Attorney’s Office para sa legal counselling.
Nakadaupang-palad din ng mga residente si Punong Lungsod Kokoy Salvador at inanunsiyo ang nalalapit na pailaw ng lungsod bilang Christmas Capital ng lalawigan.
Aniya, maaaring makipag-ugnayan sa City Tourism Office ang mga nagnanais na mag-negosyo bago magsimula ang pailaw.
Hatid din ni Board Member Dindo Dysico ang magandang balita tungkol sa itatayong cold storage para sa sibuyas sa Science City of Muñoz at nalalapit na pagtatayo ng rice mill na sisikaping kilalaning pinakamalaking ricemill sa buong bansa.
Dagdag pa ni Dysico, makipag-ugnayan lamang sa Nueva Ecija Provincial Food Council sa numerong 0975 919 6960 para sa ibang impormasyon na makatutulong sa ating mga magsasaka.
Dumalo rin ang ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina City Councilor Susan Corpuz, City Councilor Trixie Salvador-Garcia, City Councilor Roy Andres, Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Lucia Naboye, at dating Bokal Joseph Ortiz.
Sa susunod na Biyernes, Nobyembre 4 nakatakda namang umarangkada ang K Outreach Program sa Brgy. Tondod.