TikTok Dance Contest
Published: December 09, 2022 03:48 PM
Nagpakitang gilas sa pagsayaw ang walong grupo ng kabataan sa ginanap na TikTok Dance Contest kaninang umaga (Disyembre 9).
Nakamit nina Jayson Villanueva, Leman Andrei Astedillo, at Reesh Khian Bomatay (Be Real) ang unang gantimpala; pangalawa ang grupo nina Christelle Gay Vallota, Mary Dawn Getapal, at Love Lea Santiago (Red Team Tiktok Mashup); at pangatlo naman ang grupo nina Juliana Cabunilas, Jennie Aquino, Kathlyn Aquino, at Marina Nicola Laugo (ABM Mukhang Pera).
Pinangunahan ng Aklatang Panlungsod (City Library) ang nasabing programa bilang bahagi sa selebrasyon ng 32nd Library and Information Services Month na may temang “Basa. Bayan. Bukas”.
Nagsilbing hurado sa kompetisyon sina Khay Abrajano ng 24K Dance Studio, Dance to Live Philippines member Dens Fernandez, at Municipal Fire Marshal Elmira Subaba ng Bureau of Fire Protection - Llanera.
Hindi rin nagpahuli ang mga kawani ng Aklatan na naghanda ng pampasiglang bilang para sa mga manonood.