Shared Service Facilities (SSF) Summit
Published: November 23, 2022 03:02 PM
Nagtipon-tipon ngayong araw (Nobyembre 23) ang mga kinatawan mula sa iba't ibang kooperatiba at grupo ng micro small & medium enterprises (MSMEs) sa Shared Service Facilities (SSF) Summit sa Learning and Development Room ng City Hall.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Department of Trade and Industry (DTI) - Provincial Office na dinaluhan ng 13 SSF Cooperators mula sa iba’t ibang bayan.
Ayon kay DTI Provincial Director Richard Simangan, PhD, nais ng DTI na magkaroon ng patuloy na ugnayan at kumustahan sa bawat SSF Cooperators.
Ipinagmalaki rin ni Simangan na may higit 50 SSF projects nang nailunsad sa probinsiya mula 2013 kung saan lahat ng ito ay 100% operational.
Ang SSF Project ay nilalayong pahusayin ang mga MSME sa pamamagitan ng pagbibigay ng makinarya, kagamitan, kasangkapan, kasanayan, kaalaman, at iba pang tulong para mapataas ang kanilang mga kapasidad sa produksiyon at mapabuti ang kalidad ng produkto, na nagreresulta sa pagtaas ng mga merkado, pagdami ng benta, at pagbuo ng mga trabaho.
Dumalo naman si Vice Mayor Ali Salvador sa nasabing programa kung saan pinasalamatan nito ang DTI at siniguro sa mga nakadalo na laging bukas ang lungsod para sa kanila.
Samantala, pinag-usapan din sa nasabing Summit ang kahalagahan sa paggamit ng Digital Payments System at Cyber Hygiene sa tulong ni Bank Officer II Rodora Teresa Openiano mula sa Regional Office ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Bukod dito, ipinaalala rin ni Openiano ang mga dapat tandaan tungkol sa cyber security.
Kinilala rin dito bilang Most Promising SSF Cooperators for 2022 ang Tupad Pangarap NPC, LGU General Tinio, Potter’s Hand Agri Coop, at San Juan Mushroom Growers Association; habang ginawaran naman ng Certificate of Commendation ang Bongabon Dairy Coop, Association of Green Environment Development (AGED), LGU San Leonardo, at D’Sustainable Planet Inc.
Ibinigay naman ang Certificate of Donation para sa mga kagamitang ipinagkaloob ng DTI sa Central Luzon State University - College of Home Science and Industry (CLSU-CHSI), LGU General Tinio, Villanueve Farmers Association, at Golden Beans and Grains Producers Coop.
Nagkaroon din ng open forum at mini-trade fair sa nasabing programa kung saan ibinida ang ilan sa mga produkto ng SSF gaya ng bag, iba’t ibang pagkain at inumin.