159th Bonifacio Day
Published: November 30, 2022 05:05 PM
Ginugunita ngayong araw ang ika-159 na taong anibersaryo ng kapanganakan ni Andrés Bonifacio na may temang "Kabayanihan at Pagtindig sa Makabagong Panahon."
Bilang pagpupugay sa kabayanihan ng nagtatag ng Katipunan at kinikilalang “Ama ng Rebolusyong Pilipino,” nagdaos ng programa ang lokal na pamahalaan sa City Social Circle nitong umaga, Nobyembre 30.
Pinangunahan nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador ang pagtitipon, kasama sina City Councilors Patrixie Salvador-Garcia at Roy Andres na pawang nagpahayag ng kani-kanilang mensahe sa okasyon.
Inihalintulad ni Vice Mayor Ali ang lokal na pamahalaan sa Katipunan sapagkat aniya, gaya ng Katipunan ay layunin din ng pamahalaan ang mapaglingkuran ang mga mamamayan nito. Dagdag pa niya, maituturing ding kabayanihan ang araw-araw na pagtataguyod sa pamilya at pakikipagtulungan sa pamahalaan para sa ikauunlad ng bayan.
Ipinaalala naman ni Mayor Kokoy na sana’y maalala sa okasyong ito, lalo na ng mga kabataan, ang mga naging sakripisyo ng mga bayani gaya ni Bonifacio upang tayo ay maging malaya.
Masaya ring ibinahagi at ipinagmalaki ng Punong Lungsod ang pagkamit ng lungsod ng Seal of Good Local Governance sa ikatlong pagkakataon. Kaya naman hindi nakaligtaan ni Mayor Kokoy na pasalamatan ang mga kawani at tanggapan na katuwang ng lokal na pamahalaan para muling makamit ang naturang parangal mula sa DILG.
Samantala, inawit naman sa programa ni Joanne Fernando ng City Budget Office ang kantang ‘Pag-ibig sa Tinubuang Lupa’ na hango sa tula ni Bonifacio.
Sa huling bahagi ng programa ay nag-alay ng mga bulaklak sa bantayog ni Bonifacio at iba pang bayani sa City Social Circle.