News »


Automated Drip Irrigation System

Published: November 22, 2022 04:09 PM



Bumisita sa lungsod ngayong araw (Nobyembre 22) ang Israel Ambassador to the Philippines, His Excellency Ilan Fluss, kasama ang ilang kinatawan ng Central Luzon State University (CLSU) para makipag-ugnayan sa KALASAG Multi-Purpose Cooperative (MPC) officers and members sa Barangay San Agustin.

Personal na tiningnan doon ni Fluss ang techno demo site na nilagyan ng automated drip irrigation system ng Philippine-Israel Smart Agriculture Extension and Training Services (PhIlSmart) Project, kung saan project partner ang KALASAG MPC.

Ipinakita sa mga magsasaka rito ang kahusayan ng naturang sistema sa water and fertilizer management.

Paliwanag ni Cooperative Development Specialist II Hannah Domingo, ang drip irrigation system na ito ay maaaring kontrolin gamit ang isang app sa cellphone at kayang gawing 'automated' ang pagdidilig sa mga pananim at may kasama na itong pataba.

Naisakatuparan ang proyektong ito sa tulong ng Israel's Center for International Development Cooperation (MASHAV), katuwang ang University Extension Center ng CLSU at Embassy of Israel in the Philippines Shalom Club of Nueva Ecija-Philippines, Inc.

Sinamahan si Fluss at mga kinatawan ng CLSU kanina nina Vice Mayor Ali Salvador, Cooperative Development Officer Ma. Cristina Corpuz, at ilang kawani ng City Cooperative Development Office at City Agriculture Office.