K-Outreach sa Brgy. San Juan
Published: November 25, 2022 03:07 PM
Inilapit sa mga residente ng Barangay San Juan ang iba’t ibang libreng serbisyo at tulong ng lokal na pamahalaan matapos isagawa roon ngayong araw (Nobyembre 25) ang K Outreach Program.
Handog ng K Outreach sa mga mamamayan ang mga serbisyong medikal, dental, libreng gupit, masahe, manicure, pedicure, bakuna (immunization), pamimigay ng reading glasses, wheelchair, saklay, seedlings, libreng cedula, gamot para sa mga alagang hayop, rehistro ng kapanganakan (Birth Certificate), pamamahagi ng mga kontraseptibo, carabao’s milk at sopas para sa mga residente, konsultasyon sa Philippine National Police (PNP) Assistance Desk, at tulong at gabay para sa mga senior citizen, person with disability (PWD), at mga naghahanap ng trabaho.
Inanunsiyo rin sa programa ng Public Employment Service Office (PESO) ang alok na trabaho para sa seasonal farm workers sa South Korea. Ayon sa PESO, tutulungan at hindi nila pababayaan ang ating mga ka-lungsod na interesado rito kaya’t magsadya lamang sila sa kanilang opisina sa City Hall.
Nakadaupang-palad din ng mga taga-Brgy. San Juan sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP).
Nagpasalamat naman si Brgy. Captain Virgilio Santiago at nagpaalala sa partisipasyon ng kanyang mga ka-barangay sa nalalapit na eleksiyon ng San Jose City Electric Cooperative (SAJELCO) sa Linggo, Nobyembre 27.