Pugay Tagumpay Program para sa 4Ps
Published: December 10, 2022 11:00 AM
Nagsagawa ng Pugay Tagumpay Program bilang pagkilala sa 49 na pamilyang nakatapos sa pagiging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Idinaos kaninang umaga, Disyembre 9 sa Learning and Development ng City Hall ang pagbibigay parangal sa 40 pamilyang mula sa lungsod, habang walo ay mula sa Science City of Muņoz, at isa naman mula sa Carranglan.
Bakas ang bagong pag-asa at tagumpay sa mukha ng mga nagtapos, at ayon sa testimonya ng ilang benepisyaryo, napakalaking tulong umano ng programang 4Ps sa kanilang buhay sapagkat totoong tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay. Anila, dahil sa 4Ps nakapagpatapos na sila ng anak sa kolehiyo at ang ilan sa kanila ay nagtratrabaho na.
Samantala dumalo naman sa naturang programa sina Regional SSA Focal Person Myra Allanigue, Regional Case Management Focal Person Gezelle Anne Garcia, San Jose City Social Welfare and Development Officer Lourdes Medina, kasama ang mga City Link ng mga nabanggit na bayan. Naghandog naman ng ilang awitin sa programa si Paolo Benedict Vinluan na kabilang sa mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps.