U4U Teen Trail Caravan, patuloy na nag-iikot sa mga paaralan
Published: October 27, 2022 03:00 PM
Muling naghatid ng kaalaman ang U4U Teen Trail Caravan ng Teen Information Center (TIC) kasama ang City Population Office (PopCom) sa Junior High School Students ng San Agustin Integrated School kahapon (Oktubre 26).
Ilan sa mga tinalakay sa programa ang reproductive health, panliligaw, pakikipagrelasyon, teen pregnancy, sexually transmitted infection/diseases, cybersex, child trafficking at pornography.
Ayon sa datos na iprinisinta ng PopCom, mahigit dalawa sa limang kabataan edad 15-24 sa Region III ay mayroon nang karanasan sa pakikipagtalik.
Samantala, kasama sa nasabing caravan ang Population and Development Office ng Tabuk City, Kalinga na bumisita sa lungsod upang makita at mapag-aralan ang mga programa at proyektong isinasagawa ng TIC at PopCom dito.
Dinayo naman ng U4U Teen Trail Caravan ang Sto. Niņo 3rd National High School nitong Oktubre 24 at Caanawan National High School nitong Oktubre 25.
Inaasahang pupuntahan din ang Kaliwanagan High School at iba pang paaralan sa mga susunod na linggo.