Lungsod San Jose, muling nagningning sa pagbubukas ng Pailaw 2022
Published: November 17, 2022 03:00 PM
Nasilayan na ng publiko ang muling pagliwanag ng Lungsod San Jose matapos isagawa ang ceremonial lighting program ng Pailaw kagabi (Nobyembre 16) sa City Social Circle.
Kasama ang pamilya ni Mayor Kokoy Salvador, binasbasan din ang Belen na nasa harap ng City Hall building sa pangunguna ni Bishop Roberto Mallari.
Kitang-kita naman ang pananabik ng mga San Josenio at taga-ibang bayan na dumagsa sa unang araw ng Pailaw para makita ang iba’t ibang atraksiyon dito ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Patok na patok din ang food bazaar sa paligid ng City Hall compound, pati na ang Night Market sa palengke na kasabay na nagningning at dinumog din ng mga namamasyal.
Bukas sa publiko ang Pailaw sa City Social Circle araw-araw, 6:00-10:00 ng gabi.
Taong 2018 nang kilalanin ng Department of Tourism Central Luzon ang Lungsod San Jose bilang Christmas Capital of Nueva Ecija.