News »


Mga benepisyaryo ng Ariin Sariling Bakuran, may titulo na ng lupa

Published: November 14, 2022 01:05 PM



Iginawad ng Housing and Homesite Regulation Office (HHRO) ang titulo ng lupa sa unang batch ng mga benepisyaryo ng programang Ariin Sariling Bakuran (ASB) na nakatira sa Sto. Niño 3rd.

Masaya naman silang binati nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama si City Councilor Patrixie Salvador-Garcia sa idinaos na programa kaninang umaga (Nobyembre 14) sa munisipyo.

Anila, sa wakas ay matatawag na talagang sa kanila ang lupa na ilang taon nilang hinuhulugan at tinitirahan.

Siniguro naman ni Vice Mayor Ali na patuloy ang pagsuporta ng Sangguniang Panlungsod sa mga programang pabahay gaya nito.

Dagdag din ni Mayor Kokoy na bagama’t matagal ang proseso ng pag-aayos ng lupa ay sisiguraduhin nila ni Vice Mayor Ali na magtutuloy-tuloy ang nasabing programa.