News »


Clean-up Drive, Pinangunahan ng mga Kabataan

Published: October 18, 2022 09:00 PM



Nagsagawa ng clean-up drive sa Palasapas Falls, Brgy. Manicla nitong umaga, Oktubre 18, ang mga inihalal na Little City Officials ng lungsod bilang bahagi ng aktibidad ng Linggo ng Kabataan sa pangunguna ng Community Affairs Office.

Tulong-tulong na naglinis ang mga naturang opisyal kasama ang Supreme Student Government (SSG) at Student Anti-Drug Abuse Council (SADAC) advisers, maging ang ilang kinatawan mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) San Jose at Muņoz.

Nakiisa rin si City Councilor Vanj Manugue sa sinagawang paglilinis. Ayon pa sa konsehala, ikinatutuwa niya ang pagkakaroon ng mga ganitong programa sapagkat nakatutulong ito sa pagpapaganda ng ating lungsod.

Sumama rin ang Mobile Kitchen na naghain ng mainit na lugaw sa mga lumahok.

Bahagi ito ng programang Manila BAYanihan na naglalayong panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig o waterways.

Photo Credits to Community Affairs Office