The Challenge Initiative - Leadership Circle for Mayors
Published: October 28, 2022 12:44 PM
Iprinisinta ni Mayor Kokoy Salvador sa Leadership for Adolescent and Youth-Friendly Cities (LAYFC) for Mayors Leadership Circle ang mga naisakatuparang programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan para maging isang ‘Adolescent and Youth-Friendly City’ ang lungsod tungo sa pagpapababa ng bilang ng teenage pregnancies o maagang pagbubuntis dito.
Inilahad ni Mayor Kokoy dito ang kasalukuyang estado ng adolescent and youth sexual and reproductive health (AYSRH) at ang mga nagawa para sa The Challenge Initiative (TCI) Program sa lungsod.
Ang TCI ay isang global urban reproductive health program mula sa Bill and Melinda Gates Institute for Population and Reproductive Health, katuwang ang Zuellig Family Foundation, Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health, Commission on Population, at Department of Health.
Tanging San Jose City lamang ang lungsod na may TCI Program sa buong rehiyon.
Samantala, tiniyak din ng Punong Lungsod ang kanyang suporta para sa social protection ng mga ‘teenage mother’ at maglalaan ng badyet sa 2023 para sa AYSRH program.
Dagdag pa rito, ibinahagi niya ang pagpapatayo ng mga gusaling pampaaralan para mailapit ang mga mag-aaral sa mga eskuwelahan, gayundin ang mga makabuluhang proyekto at aktibidad para sa mga kabataan.
Binigyang diin din ni Mayor Kokoy ang kahalagahan ng pagtutulungan at pakikibahagi ng mga pribadong sektor sa lokal na pamahalaan.
Kasama ng Punong Lungsod ang TCI Leadership Team na kinabibilangan nina Nathaniel Vergara at Ma. Theresa Vizcarra mula sa City Population Office, City DILG Director Elria Hermogino, Dr. Rizza Esguerra ng City Health Office, MSgt Arlene Yabut ng PNP San Jose, Heherson Bautista ng San Jose City National High School, Marie Faustine Rivera ng Teen information Center, at Nurse Mary Jane Villaroman ng Suhay Youth Center – Heart of Jesus Hospital.
Kaugnay nito, pinuri ang pamumuno ni Mayor Kokoy at ng Leadership Team sa kanilang iprinisinta sa naturang Leadership Circle for Mayors na idinaos nitong Oktubre 25 sa City Garden Grand Hotel, Makati City.