U4U Dumayo sa Brgy. Tayabo
Published: October 18, 2022 07:00 PM
Dumayo ang U4U Teen Trail Caravan dala ang mga impormasyon at gabay para sa mga kabataang Grade 10 at 12 ng Tayabo High School na isinagawa sa Tayabo Gymnasium ngayong araw (Oktubre 18) sa pangangasiwa ng Teen Information Center (TIC), City Population Office (PopCom) at Suhay Youth Center.
Layunin ng programa na tulungan at gabayan ang mga kabataan sa magiging yugto ng kanilang pag-usbong patungo sa pagtahak sa hustong gulang, maging ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga proteksyon laban sa pang-aabuso at karahasan.
Tampok dito ang pagbabahagi ng mga kabataan ng kanilang pananaw sa mga usapin gaya ng reproductive health, panliligaw, pag-ibig, pakikipagtalik, at mga posibleng sakit na dulot ng unprotected sex na mas binigyang linaw ng mga panauhing tagapagsalita mula sa TIC, PopCom, at Suhay Youth Center.
Tinalakay rin sa programa ang usaping cybersex, child trafficking, at mga paraan kung paano mapoprotektahan ang kani-kanilang mga sarili mula sa mga karahasan.
Kaugnay nito, nakadaupang palad ng mga mag-aaral si City Councilor Trixie Salvador-Garcia na nagpasalamat sa pagdalo ng mga kabataan at ilang mga guro.
Binigyang diin ng konsehala ang kahalagahan ng programa upang makaiwas sa mga masasamang gawain na laganap.
Samantala, nakatakdang umarangkada ang programang U4U sa San Jose City National High School (SJCNHS) bukas (Oktubre 19).