News »


Miss Inclusion 2022 and PWD Awarding Ceremony

Published: December 22, 2022 03:15 PM



Kinilala bilang kauna-unahang Miss Inclusion si Cielo Ganado ng Brgy. Canuto Ramos sa idinaos na patimpalak ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) nitong Martes (Disyembre 20) sa Pag-asa Sports Complex.

Nakatanggap din ng special award na Best in Casual Dress si Ganado.

Nanalo naman bilang first runner-up si Faith Rubante ng Brgy. Tayabo at pinarangalan ding Best in Talent at Miss PWD Social Media Star, habang second runner-up at Best in Long Gown si Charisma Joy Cabutaje ng Brgy. Porais, at third runner-up naman si Remelita Tayag ng Brgy. San Mauricio.

Iginawad naman ang Miss Friendship award kay Miss Bella Matic ng Brgy. San Juan.

Bukod sa nasabing pageant para sa mga PWD, ginawaran din ng Mayor Mario Salvador Leadership Award ang mga sumusunod:
1. Jun Agustin - Sto. Niņo 1st
2. Jenifer Santos - Porais
3. Mario Ramos - Tayabo
4. Adelaida Mateo - Pinili
5. Marlene Cristobal - Abar 1st

Samantala, kinilala rin ang mga nanalo sa Backyard Garden at Parol Making Contest na inorganisa ng PDAO.

Pinarangalan bilang 10 Most Outstanding Barangay Garden ang Barangay Sto. Niņo 2nd, Sto. Niņo 1st, Tondod, Kita-Kita, A. Pascual, Calaocan, Bagong Sikat, Villa Joson, Porais, at Pinili.

Kinilala naman ang 10 runner-up kabilang ang Barangay Sto. Niņo 3rd, Sto. Tomas, Sibut, Tayabo, Malasin, Dizol, Tabulac, Tulat, San Juan, at San Agustin.

Sa Parol Making Contest, nakamit ng Sto. Niņo 2nd ang unang gantimpala, sumunod ang Pinili, pangatlo ang Kaliwanagan, at pang-apat ang Kita-Kita.

Nabigyan naman ng consolation prizes ang Villa Joson, Abar 1st, Tondod, Kita-Kita, at San Juan.