News »


Libreng Ice Cream Cake

Published: October 20, 2022 02:19 PM



‘Summer feels’ ang hatid ng Selecta sa lungsod na namigay ng libreng ice cream cake kasama ang lokal na pamahalaan.

Kasamang nagpamahagi sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, katuwang ang Community Affairs Office nitong Martes hanggang kahapon (Oktubre 18-19) sa iba’t ibang pampublikong paaralan at ahensiya ng pamahalaan.

Umabot sa 28,000 piraso ng ice cream ang naipamigay kaya naman labis na kasiyahan at pasasalamat ang ipinaabot ng mga nakatanggap nito.