Demo Gulayan Field Day
Published: October 25, 2022 05:00 PM
Hindi napigil ng ulan ang ikalawang Demo Gulayan Field Day ng City Agriculture Office (CAO) ngayong Martes, Oktubre 25 sa Demo Farm, Malasin kung saan nasaksihan ng mga panauhin ang mayabong na pananim doon.
Ipinagmalaki ng CAO, sa pangunguna ni City Agriculturist Francisco Dantes, ang mga tanim na aanihin sa Demo Gulayan gaya ng talong, kalabasa, sitaw, pipino, upo, at sili.
Naisakatuparan ang nasabing programa sa pakikipagtulungan ng naturang tanggapan sa Allied Botanical Corporation at Aldiz Incorporated.
Buong suporta naman ang ipinakita ni Vice Mayor Ali Salvador na dumalo sa programa, kasama ang kinatawan ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office III na si Erika Ramos.
Dumalo rin sa nasabing programa ang mga kinatawan ng mga nabanggit na kumpanya pati na ng Topland Global, at ilang asosasyon at grupo ng magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Bagama’t hindi nakadalo si City Mayor Kokoy Salvador sa nasabing programa, ipinabatid pa rin ni Vice Mayor Ali ang kanilang lubos na pagsuporta sa mga proyektong pang-agrikultura.
Ayon kay Vice Mayor Ali, napakaganda ng ganitong mga proyekto sapagkat naipapakita sa mga magsasaka ang mga makabagong paraan ng pagtatanim.
Dagdag pa niya, mahirap baguhin ang mga nakasanayang pamamaraan ng pagtatanim ngunit kinakailangang makasabay ang mga magsasaka sa pagbabago.
Ipinaalala rin nito na walang masama sa pagsubok ng mga bagong paraan sapagkat maaaring mas makatulong ito sa kanila.
Bukod sa mga produktong pang-agrikultura, makikita rin sa nasabing programa ang mga ibinebentang cassava chips at isda-ing na produkto ng CAO.