Linggo ng Kabataan 2022
Published: October 17, 2022 02:13 PM
Opisyal nang maninilbihan bilang Little City Officials ngayong araw (Oktubre 17) ang mga estudyante mula sa Junior at Senior High Schools dito sa lungsod matapos manumpa sa City Social Circle kaninang umaga.
Pinangunahan ni City Mayor Kokoy Salvador ang nasabing panunumpa, habang nagbigay naman ng maikling mensahe si Vice Mayor Ali Salvador para sa mga batang opisyal na uupo sa iba't ibang opisina ng lokal na pamahalaan.
Ipinaala ni Vice Mayor Ali na kahit bata pa sila, huwag maniniwala na walang maiaambag ang kabataan para sa lungsod sapagkat sigurado siyang sila ang magsisilbing mga susunod na pinuno ng kanilang henerasyon.
Sinang-ayunan naman ito ni John Carlo Ortega, ang tatayong Little City Mayor mula sa San Jose National High School - SHS sa kanyang talumpati.
Ayon kay Ortega, wala sa edad ang pagseserbisyo sapagkat gaya ng butil ng palay ay mayroong kanya-kanyang panahon ng pagsibol ang bawat isa at kahit anong mangyari ay darating ang araw ng kani-kanilang pagbubunga.
Ipinaalala niya rin ito sa mga kapwa Little City Officials na gamitin ang pagkakataon upang magserbisyo at magsilbing liwanag sa dilim para sa kapwa San Joseņo.
Bago ang kanilang opisyal na panunungkulan ngayon hapon, nagsagawa muna ng Palaro ng Lahi para sa mga kabataan sa Pag-asa Sports Complex.
Idinaos ang halalan para sa Little City Officials noong nakaraang Huwebes (Oktubre 13), at tatagal hanggang Biyernes ang kanilang panunungkulan.