News »


Elderly Filipino Week

Published: October 18, 2022 04:34 PM



Muling nagkaroon ng pagkakataong magsama-sama at magsalo-salo ang mga “young at heart” sa lungsod upang ipagdiwang ang Elderly Filipino Week ngayong taon na may temang "Older Persons: Resilience in Nation Building", na ginanap sa PAG-ASA Sports Complex kaninang umaga (Oktubre 18).

Dito, nagpakitang gilas din sa pagsayaw ang mga kinatawan ng senior citizen mula sa iba’t ibang barangay at allied groups sa inihanda nilang pampasiglang bilang.

Bukod sa pagbati ni Mayor Kokoy Salvador sa mga dumalo, ipinaalala rin niya na ang linggong ito ay nakaalay para sa matatanda.

Ayon naman sa mensahe ni Vice Mayor Ali, patuloy ang pasasalamat ng kanilang grupo sa suportang ibinigay ng mga nakatatanda at sinabing tutuparin ang mga ipinangakong programa na laan para sa kanila.

Dagdag pa niya, bilang kabataan, patutunayan niya na mayroon siyang magagawa para sa Lungsod San Jose.

Binigyang diin naman ng mga dumalong konsehal ang kahalagahaan ng mga senior citizen bilang gabay ng kabataan, ayon nga kay City Councilor Vanj Manugue, “kasabay ng pagputi ng buhok ay ang pagdating ng wisdom”.

Pinangunahan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ang programa sa pamumuno ni OSCA Chairman Cornelio Catalan Sr. kung saan dinaluhan at sinuportahan ng mga konsehal ng bayan kabilang na sina City Councilor Vanj Manugue, Mawie Munsayac-Dela Cruz, Trixie Salvador-Garcia, Doc Susan Corpuz, pati na rin ng iba’t ibang allied senior citizens groups sa lungsod.