News »


Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty Program Field Validation and Documentation

Published: October 27, 2022 01:37 PM



Nagsagawa ng Field Validation and Documentation para sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty Program (EPAHP) ang Department of Agrarian Reform (DAR) Region III sa lungsod kahapon, Oktubre 26 upang masuri ang pagpapatupad ng naturang programa rito.

Partikular na tiningnan ang feeding program ng lokal na pamahalaan kung saan katuwang ang Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative Inc. (EPMPC) na isang Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO) sa lalawigan at napili sa pagtataguyod ng EPAHP.

Ang EPAHP ay naglalayong tulungan ang mga community-based organization upang matugunan ang problema sa gutom, masiguro ang sapat na pagkain o food security, at mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Kaugnay nito, pinagkalooban ang nasabing kooperatiba ng mga baking equipment, kabilang ang isang dough kneader, dalawang chest freezer/chiller, isang digital stainless steel weighing scale, at isang proofer bilang ayuda mula sa DAR.

Ayon sa kinatawan ng Eastern PMPC, malaking tulong sa kanila ang mapabilang sa programa sapagkat dagdag kabuhayan din ito para sa kanila.

Tinalakay rin sa isinagawang validation ang mga pangangailangan at kinakaharap na problema ng mga stakeholder, at kung paano mapapanatili at mas mapabubuti ang kanilang partnership.

Binisita naman ng mga kinatawan ng DAR at Philippine Carabao Center ang opisina at processing center ng EPMPC matapos ang programang idinaos sa Learning and Development Room sa City Hall.