Paghahanda para sa Undas 2022
Published: October 25, 2022 02:45 PM
Nagpulong kahapon (Oktubre 24) ang iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya na kasama sa Oplan Kaluluwa para masiguro na maidaos nang maayos at mapayapa ang paggunita ng Undas sa taong ito.
Paalala lamang ni Mayor Kokoy Salvador na magtulungan gaya ng dati para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Batay sa napagkasunduan sa pulong, bukas sa publiko ang pagdalaw sa sementeryo sa Nobyembre 1 at wala nang itinakdang iskedyul ng pagbisita ang bawat barangay.
Pinapaalalahanan din ang mga pupunta sa sementaryo na bawal magdala ng alak o anumang inuming nakalalasing, matatalas na bagay o deadly weapons, malakas na sound system, mga gamit sa pagsusugal, at iba pang bagay na makagagambala o makapagdudulot ng kaguluhan.