Bagong gusali ng Teen Information Center, pinasinayaan
Published: November 18, 2022 06:00 PM
Liwanag at gabay para sa mga kabataan ang hatid ng bagong tayong gusali ng Teen Information Center sa Melcar Subdivision, Brgy. Calaocan na pinasinayaan nito lamang umaga, Nobyembre 18.
Pinangunahan ni Rev. Ptr. Jim Lescano ng Jesus Is Lord Church ang dedication ceremony na dinaluhan nina Citizens' Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list Representative Domingo Rivera at PopCom Region III Director Lourdes Nacionales.
Buong suporta ring dumalo sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, Councilor Trixie Salvador-Garcia at City Population Officer Nathaniel Vergara.
Sa mensahe ng Punong Lungsod, binigyang diin niya na mahalagang matulungan ang mga kabataan lalo na ang mga naliligaw ng landas. Dagdag pa niya, kasama sa prayoridad ng kanyang administrasyon sa taong 2023 ang pagkakaroon ng mga dagdag na silid-aralan para sa hayskul sa bawat barangay ng lungsod.
Kaya naman hiniling niya na sana ay suportahan ng CIBAC ang kaniyang plano at tulungan siyang makapagpatayo ng isang paaralan na mayroong siyam hanggang labindalawang silid-aralan.
Sumang-ayon dito si Congressman Rivera at sinabing bukas ang kanilang tanggapan sa anumang tulong na maaring maibigay sa lungsod.
Taos pusong pasasalamat naman ang mensaheng hatid ni Councilor Trixie dahil naisakatuparan ang matagal nang plano na makapagpatayo ng kanlungan para sa mga kabataan sa pamamagitan ng CIBAC Party-list.