News »


4th Quarter NSED

Published: November 10, 2022 03:12 PM



Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw (Nobyembre 10) na pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) San Jose.

Sinimulan ang nasabing drill nang tumunog ang sirena sa City Hall nitong umaga kung saan nagsipag-‘duck, cover, and hold’ ang mga empleado sa kani-kanilang mga opisina at nagsilikas tungo sa City Social Circle na itinakdang evacuation site.

Paliwanag ng Chief of Operations ng CDRRMO na si Ferdinand Vergara, hindi dapat agad-agad lumalabas o bumababa mula sa isang gusali habang lumilindol sapagkat mas delikado ito.

Ayon pa kay Vergara, kapag lilikas na ay patuloy na protektahan ang ulo at batok at manatiling alerto sapagkat maaaring masundan pa ng aftershocks ang lindol.

Isinasagawa ang quarterly NSED sa bansa hindi lamang para ituro sa publiko ang mga hakbang at pamamaraan na dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol, kundi upang lalong mapahusay ang ating kahandaan at mga plano kapag may lindol.