News »


Free Bilateral Tubal Ligation (BTL)

Published: November 08, 2022 02:11 PM



Nagsasagawa ngayong araw, Nobyembre 8 sa San Jose City General Hospital ng libreng Bilateral Tubal Ligation (BTL) sa pangunguna ng City Population Office at Commission on Population and Development (POPCOM) Wellness Clinic - Central and Regional Office, katuwang ang DKT Philippines Foundation.

Kasama rin dito ang mga kinatawan mula sa LGU COVID-19 Testing Center upang magbigay ng libreng RTC-PCR test na isa sa mga kinakailangan bago gawin ang nasabing surgical procedure sa mga kababaihan.

Sinusuri din ang kanilang medical history upang matiyak kung akma sa kanila ang BTL na isang paraan ng contraception.

Nagbigay naman ng paliwanag at paalala sa briefing session ang kinatawan ng POPCOM Wellness Clinic Central Office na si Ligaya Cawas ukol dito.

Ayon kay Cawas, ang BTL ay 99.5% effective. Hindi ito sagot upang maiwasan ang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik bagkus, binabawasan lamang nito ang posibilidad na muling mabuntis.