Book Character Parade
Published: November 22, 2022 02:09 PM
Rumampa ang 13 estudyante suot ang kani-kanilang Filipino storybook character costume sa ginanap na Book Character Parade kaninang umaga (Nobyembre 22) sa Pag-asa Sports Complex.
Lumutang sa nasabing programa ang karakter ni Maria Clara na ginampanan ni Celine Punzalan at nagwagi ng unang gantimpala, pangalawa si Roberto Asuncion II bilang Kapre, at pangatlo naman si Leo Cawagnan bilang si Don Juan.
Pinangunahan ng Aklatang Panlungsod (City Library) ang nasabing programa bilang bahagi ng selebrasyon ng 32nd Library and Information Services Month na may temang: “Basa. Bayan. Bukas”.
Dumalo at nagpahayag naman ng kanyang suporta rito si Vice Mayor Ali Salvador, gayundin si City Councilor Vanj Manugue.
Nagsilbi namang hurado sa patimpalak sina City Tourism Officer Darmo Escuadro, Binibining Nueva Ecija 2022 Princes Lazaga, at Mr. International Philippines finalist Ivan Myles Sibay.
May inihanda ring pampasiglang bilang para aliwin ang mga manonood, at ipinakita naman doon nina Lazaga at Sibay sa mga kalahok ang mala-modelong pagrampa.