News »


Bringing Awareness to the Next Generation

Published: October 14, 2022 08:00 AM



Nagsanib ang Teen Information Center (TIC) ng lokal na pamahalaan at Sühay Youth Center para sa “Bringing Awareness to the Next Generation” seminar na isinagawa mula Oktubre 11-13.

Layunin nito na magbigay-aral at dagdag kaalaman sa mga kabataan upang maging responsable para sa kanilang kinabukasan.

Tinalakay sa naturang seminar ang mga usapin tungkol sa mental health awareness, gender sensitivity, HIV/AIDS Awareness, Teenage Pregnancy, at Family Planning.

Nilahukan ito ng mga estudyante ng Araullo University, STI, at CRT San Jose.

Nagbahagi rin ang mga kabataang mag-aaral ng kanilang mga karanasan, kuro-kuro, at mga katanungan ukol sa mga nabanggit na usapin.

Kabilang sa mga nagsilbing tagapagsalita sa seminar sina Population Program Officer II Marie Faustine Hernandez ng TIC, Family Planning Focal Person Mary Jane Villaroman, HIV/AIDS Counselor Jaime Christopher Valmonte, Junior Adviser Jason Muan mula mula CLSU, Mental health advocates Ryan Neil Beley at Shella Eunice Esguerra.

Dumalo naman sa seminar kahapon sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, gayundin sina City Councilors Vanj Manugue, Trixie Salvador-Garcia, Doc Susan Corpuz, at Lucia Naboye.

Nagpaalala si Mayor Kokoy Salvador sa mga kabataan na huwag maging pasaway, at sinabi naman ni Vice Mayor Ali na sikapin nilang tapusin ang kanilang pag-aaral.

Pinuri din ng mga konsehal ang magandang hangarin at dulot ng pagsasagawa ng naturang seminar, kaya’t pakiusap ni Manugue sa mga kalahok na ibahagi sa ibang estudyante ang kanilang natutuhan dito.

Tiniyak din ni Salvador-Garcia na naroon ang TIC at mga lokal na opisyal para sumuporta at umagapay sa mga kabataan.