K Outreach Program sa Brgy. Pinili
Published: October 23, 2022 04:26 PM
Samot-saring tulong at serbisyo ang dala ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy. Pinili sa ginanap na K Outreach Program doon kaninang umaga (Oktubre 21).
Dinaluhan ito nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Bukod sa pagbati at pangungumusta sa mga residente, ipinaalala ni Mayor Kokoy na huwag silang mahihiyang sumangguni o humiling sapagkat libre itong inihahandog sa kanila sa K Outreach.
Sinang-ayunan naman ito ni Vice Mayor Ali at aniya, inilalapit na sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan upang maging mas abot kamay ito.
Ipinangako rin niya ang pamimigay ng libreng buhangin para sa regravelling ng mga lubak na kalsada sa barangay.
Samantala, binigyan naman ni Mayor Kokoy si Melanie Bantillo ng libreng saklay, habang si Conrado Soriano naman ay nakatanggap ng libreng wheelchair.
Nakibahagi rin sa programa ang mga Little City Official na pinangunahan nina Little City Mayor John Carlo Ortega at Little City Vice Mayor Heart Valerie Cordero.
Ayon kay Ortega, matapos man ang termino bilang Little City Mayor, lagi pa ring maasahan ang kabataan ngunit ang tanging hiling lamang nila ay mapakinggan ang kanilang boses at mabigyan sila ng konsiderasyon.
Inaliw naman ng Housing and Homesite Regulation Office staff, pati na rin ng mga kabataang opisyal ng pampasiglang bilang ang mga dumalo sa programa.