Halloween Costume Fun Ride 2022
Published: November 03, 2022 03:55 PM
Umarangkada ang mga biker sa lungsod suot ang kanilang mga nakatatakot at nakaaaliw na costume sa ginanap na Halloween Costume Fun Ride nitong ika-31 ng Oktubre.
Nagbisikleta sa City proper ang mga kalahok hanggang sa makarating sa finish line sa Pag-asa Sports Complex kung saan ginanap ang awarding program at raffle draw.
Hindi naman nagpahuli si Vice Mayor Ali Salvador na nag-ala-Dracula sa programa at nanguna sa paggawad ng parangal sa mga nanalo, kasama si Mayor Kokoy Salvador.
Kaugnay nito, nagwagi ng Best in Costume si Levi Tomas sa Individual Category at si Claive Ayson naman sa Kids Category.
Sa Group Category, panalo rin ang grupo ni Ravelyn Alipid na hango sa mga karakter ng pelikulang “The Purge”.
Masuwerte namang nabunot ni Mayor Kokoy sa raffle sina Kenneth Denver Pangilinan at Rodel de Guzman na nakapag-uwi ng grand prize na mountain bike.
Tumanggap din ang iba pang kalahok ng consolation prizes na iba’t ibang kagamitan sa pagbibisikleta tulad ng bottle holder, tumbler, lubricant, inner tube, lights, at iba pa.
Pinangunahan ng Sports Development Office ang nasabing aktibidad hindi lamang para magbigay ng saya kundi para isulong ang pagbibisikleta dahil sa magandang benepisyo nito sa kalusugan pati na sa kapaligiran.