News »


Meeting, City Day Celebration Committee

Published: July 25, 2016 05:27 PM



Muling nagpulong ang mga miyembro ng 47th City Day Celebration Committee nitong Hulyo 22 upang muling pag-usapan ang mga aktibidad at programang isasagawa para sa naturang okasyon. Gaya ng napagplanuhan sa unang pulong ng komite, ipagdiriwang ng dalawang araw ang City Day mula Agosto 9-10.
Ngayong taon ay kasabay ding ipagdiriwang sa Araw ng Lungsod San Jose ang 10th Gatas ng Kalabaw Festival at magkakaroon ng Trade Fair.
Ilan pa sa mga aktibidad na isasagawa ay tree planting; paglulunsad ng City Health Office bilang isang Center for Health and Wellness; Zumba; Fun walk & Parade; paglulunsad ng “Search for Makakalikasang Barangay”; 18th Inter-School Quiz Bee na inorganisa ng F & AM of Narra Lodge 171; Job Fair; Pagkilala sa Pinakamatandang San Josenian; Awarding para sa Outstanding Nutrition Workers at mga nagsipagwagi sa slogan-making, poster-making, essay writing contest; Oath Taking ng mga bagong Little City Officials, at iba pa.
Iba’t ibang libreng serbisyo rin ang ihahandog ng Lokal na Pamahalaan sa Agosto 10 gaya ng birth registration o pagpaparehistro ng kapanganakan handog ng Local Civil Registrar (LCR), pamimigay ng seedlings at fingerlings mula sa City Agriculture Office, at anti-rabies vaccination at neutering (pagkakapon) ng City Veterinary Office.
Magtitipong muli ang komite ngayong linggo para malaman ang estado ng ginagawang paghahanda ng bawat tanggapang may gagampanan sa City Day.