KATROPA Seminar by PopCom
Published: August 01, 2016 09:00 AM
Hindi lamang mga nanay at chikiting ang aktibong nakibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa lungsod kundi pati mga kalalakihan din sa pamamagitan ng isang seminar na inorganisa ng PopCom na tinawag na ‘KATROPA’ o Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya.
Higit 500 ang nakilahok sa nasabing seminar, kabilang ang mga Barangay Tanod, TODA, Zone Leaders, Barangay Health Workers (BHW), Migration Information Officers (MIO), mga estudyante, at iba pa.
Naging pangunahing tagapagsalita sa KATROPA si Eleanor M. Cura, Regional Director ng Commission on Population Region III.
Kabilang sa mga naging paksa sa pagsasanay ay ‘Ako bilang Lalaki’, ‘Ang Aking Sekswalidad’, ‘Malusog na Pamumuhay’, ‘Pagpapaganda ng Samahang Mag-asawa’, ‘Pangangalaga sa Pagbubuntis ng Katuwang’, ‘Ako bilang Ama’, at ‘Kalalakihan, Tagapagtanggol laban sa Karahasan’.
Idinaos ito sa Pag-asa Gym nitong ika-28 ng Hulyo na dinaluhan din ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador.
Bukod sa seminar ay nagkaroon din dito ng mini-exhibit tungkol sa kalusugan at nutrisyon.
Katuwang ng City Population Office ang City Health Office sa nasabing programa.