News »


"Balik-Loob" - Result of Oplan Tokhang

Published: July 27, 2016 05:24 PM



Sabay-sabay na nanumpa nitong Hulyo 26 ang 383 sumukong illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga at magbabagong buhay na.
Ito’y sa ilalim pa rin ng “Oplan Tokhang” na kampanya kontra droga ng PNP at mariin namang sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan.
Dumalo sa mass oath-taking si Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador, at sa kanyang mensahe, sinabi niyang kailangang seryosohin ng mga sumuko ang pagbabagong buhay para sa kanilang sarili, pamilya at bayan, dahil may pag-asa pang naghihintay sa kanila.
May mga nakalaan na programang pangkaunlaran at pangkabuhayan ang Lokal na Pamahalaan para sa mga ito gaya ng ‘Cash and Food for Work’ kung saan sila ay magtratrabaho para sa komunidad at makikiisa sa pangangalaga sa kalikasan para sila’y may pagkakitaan at pagkaabalahan.
Maliban dito, bibigyan din sila ng pagkakataong makapag-aral sa pamamagitan ng TESDA Vocational Training Course.
Bubuo rin ng mga organisasyon sa mga barangay na tutulong sa kanila para malaman kung ano ang kani-kanilang mga pangangailangan upang makapagbagong buhay.
Nagkaroon din ng drug testing na pinangunahan ng City Health Office kung saan malalaman ang resulta sa Biyernes, Hulyo 29.