News »


LGU Scholars Meeting

Published: July 26, 2016 12:08 PM



Inihayag ni City Administrator Alexander Glen Bautista sa mga iskolar ng lungsod ang magandang balita na ipagpapatuloy pa rin ang Scholarship Program ng Lokal na Pamahalaan sa ginanap na pulong kahapon, Hulyo 25 sa 3/F Conference Room ng City Hall.
Dagdag pa ni Bautista, kabilang ang edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan sa mga priyoridad ng bagong administrasyon.
Pinaalalahanan din ng City Administrator ang mga kabataan na mag-aral mabuti, panatilihin ang magagandang grado, at laging pumasok sa eskwelahan.
Kaugnay nito, mananatili pa rin ang mga itinakdang requirements at kwalipikasyon para sa scholarship.
Kasama rin sa pulong si Executive Asst. III Joel Yacan at City Human Resource Management Office staff.