LDRRM Council Meeting | July 19, 2016
Published: July 22, 2016 03:33 PM
Masusi nang pinag-aaralan ng Local Disaster Risk Reduction Management Council (LDRRMC) ang mga dapat ihanda ng lungsod sa paparating na panahon ng kalamidad.
Kabilang sa mga tinukoy na kakailanganin ay ang pagkakaroon ng floating back hoe upang masolusyunan ang mga baradong daluyan ng tubig-baha, gayundin ang pagkakaroon ng karagdagang chainsaw, bota at kapote para sa mga rescuer.
Nakahanda rin ang lungsod na magtalaga ng Command Center para sa Disaster Risk Reduction Management upang mas madaling matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
Ilan lamang ito sa mga pinag-usapan sa ginanap na LDRRMC meeting nitong Hulyo 19 sa Conference Room ng City Hall.