Alternative Learning System (ALS) Graduation
Published: August 08, 2016 11:24 AM
Nagtapos ang 78 mag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education (DepEd) nitong ika-4 ng Agosto.
Idinaos ang graduation ceremony sa Abar First Elementary School, kung saan apat sa mga mag-aaral na nagtapos ay sa elementary level at 74 naman sa high school level na pawang nakapasa sa Accreditation and Equivalency Test (A&E) Test ng ALS.
Naging panauhing tagapagsalita sa naturang programa si City Mayor Mario “Kokoy” Salvador, na nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati sa mga bagong ALS graduates.
Ayon sa Punong Lungsod, magandang pagkakataon para sa mga nahinto sa pag-aaral ang ALS dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyan sila ng pangalawang tyansa upang makapagtapos at makamit anuman ang kanilang mithiin.
Nagpasalamat din si Mayor Kokoy sa lahat ng mga guro na nagtulong-tulong upang makatapos sa kani-kanilang pag-aaral ang mga out-of-school youth.
Ito na ang ika-limang taong pagtatapos ng ALS sa lungsod, na may temang “Kabataan mula sa K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa bansang Pilipinas”.