News »


Liga ng mga Barangay Meeting re: Oplan Tokhang

Published: July 20, 2016 09:51 AM



Nitong Hulyo 12 sa pulong ng Liga ng mga Barangay, ipinaliwanag ni P/Supt. Reynaldo dela Cruz, OIC-PNP San Jose Chief sa mga Punong Barangay ang Oplan Tokhang, isang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga kung saan kumakatok ang mga pulis sa bahay ng mga hinihilang gumagamit o nagtutulak ng droga para kausaping sumuko at magbagong buhay na.
Nakiusap ang hepe ng PNP San Jose na laging makipag-ugnayan ang mga kapitan sa pulisya kung may alam sila sa kani-kanilang barangay na gumagamit o nagtutulak ng droga. Tumugon naman agad ang mga kapitan at nangakong makikipagkaisa sila sa naturang programa ng PNP.
Base sa talaan ng PNP San Jose, 353 na ang sumusuko (as of July 19, 2016) sa ilalim ng programang Oplan Tokhang. Sa kasalukuyan ay inihahanda na ng PNP ang magiging aktibidad at proyekto para sa mga ito gaya ng rehabilitation program, spiritual upliftment, at iba pa.